Video Sources 0 Views

  • Watch Online
Finding Magda

Finding Magda

Jul. 23, 2021
Your rating: 7
8 3 votes

Synopsis

Si Magdalena Labrador ay kabilang sa pamilya na nabubuhay sa pagsasaka. Ang kanyang mga magulang ay pinag-aaral silang pitong magkakapatid sa biyaya ng lupa. Sa kanilang magkakapatid si Magda ang natatanging may matayog na pangarap na pilit namang kinokontra ng panganay nilang kapatid na si Ate Lyn dahil nakatali ang huli sa pagtulong sa kanilang mga magulang sa pagbubukid. Dahil dito ay madalas silang mag-away ng kanyang Ate na siyang dahilan ng madalas na kaguluhan sa kanilang pamilya. Bukod sa pagiging ambisyosa ay may pagkametryosa si Magda.

Kasama ang kanyang mga kababata at mga kaklase na sina Becka, Ningning at Daday, pangarap nilang makapag-aral ng kolehiyo sa Maynila. Dahil sa kanilang pagpupursige ay natupad nga ang kanilang pangarap. Sa tulong ng kani-kanilang pamilya ay tumulak ang magkakaibigan patungong Maynila para doon tumira at mag-aral.

Unang salta ng magkakaibigan sa Maynila ay agad namasyal ang mga ito sa mall. Ngunit sa kasamaang palad ay na-holdap sila. Nalimas ang kanilang baong pera, cell phones at mga pinamili. Sa tulong ng kanilang mga housemates na sina Mariah, Donna at Alice ay unti-unting nakabangon ang magkakaibigan. Nag-ambag-ambag ang mga ito para pahiramin sila ng perang panggastos at pang-enroll. Dahil dito ay nakapagpatuloy sa pagaaral sina Becka, Ningning at Daday. Ngunit si Magda, na nanakaw ang lahat ng perang ipinapabaon sa kanya ng kanyang mga magulang ay nagdesisyong huwag munang mag-aral bagkus ay maghanap na lang muna ng trabaho.

at dito ang umpisa ng kwento ng Finding Magda….

Directed By: JR Olinares
Starring: Lili Montelibano, Gladz Joniega, Jun Lyn Geronimo, Reynaline Delos Santos, Ara Altamira, Allea Laureles, Mia Laroza, Dante Agdon, Taki Gonzaga, Angelu Malvar, James Estrella, Ralph Lauren Cruz, Jojo A, DJ Miles Victoria, Ptr. Alejandro De Leon, Beth Garcia

Director

Director

Cast

Similar titles

Ranger G (The Making Of A Philippine Scout Ranger)
Wala Nang Iibigin Pang Iba
Sa Ngalan Ng Ama, Ina, At Mga Anak
Brando Bandido
Extra Service
Dormitoryo: Mga Walang Katapusang Kwarto
Summer Holiday
Laruang Buhay
Live Show
Mariquina
Blondie
Third World Romance

(10) comments

Leave a comment